1 sa mga suspek sa kaso ni Vhong 'di sumipot sa NBI
MANILA, Philippines – Hindi sumipot ang isa sa mga suspek sa kaso ng artistang Vhong Navarro sa National Bureau of Investigation ngayong Huwebes.
Sinabi ni NBI special investigator Rommel Ramirez na hindi dumating ang ipinatawag nilang si JP Calma ngunit nagpadala ito ng liham upang iusog ang pagkukuwestiyon sa kanya.
"Masyado daw maaga kasi ang pagpapadala ng summons sa kanya," pahayag ni Ramirez.
Kaugnay na balita: 2 sa 'pambababoy' kay Vhong inaasahan sa NBI ngayong araw
Dagdag niya na iniusog na nila ang pagpunta ni Calma sa Pebrero 6 bandang alas-10 ng umaga sa NBI-NCR building sa Maynila.
Samantala, inaasahang dumating ang isa pang suspek na si Jed Hernandez mamayang alas-2 ng hapon upang magpaliwanag.
Sina Calma at Hernandez ang umano’y kasama ng negosyanteng Cedric Lee nang maganap ang umano’y pambubugbog kay Navarro sa loob ng isang condominium sa Taguig City noong Enero 22.
Ipinatawag din ng NBI ang may-ari ng condominium unit sa ikalawang palapag ng Forbeswood Heights na si Soledad Ramos.
- Latest