MANILA, Philippines – Inaasahang magpakita sa National Bureau of Investigation ngayong Huwebes ang dalawa sa mga suspek sa ‘pambababoy’ sa TV host Vhong Navarro.
Sinabi ni NBI Special Investigator Rommel Ramirez na ipinatawag nila si JP Calma at Jeb Hernandez upang magbigay ng kanilang mga salaysay.
"They were earlier unidentified at first. But witnesses said they were in the room (with Navarro)," banggit ni Ramirez.
Kaugnay na balita: Flight ni Cornejo at Lee pa-Singapore 'di pa kumpirmado ng NBI
"If ever they will appear, they will be asked to explain their alleged presence in the condo," dagdag niya.
Una nang inimbitahan ng NBI ang umano’y ginahasa ni Navarro na si Deniece Cornejo para sa preliminary investigation ngunit hindi ito sumipot.
Binugbog umano ng gupo ng mga kalalakihan, sa pangunguna ng negosyanteng Cedric Lee si Navarro matapos umanong madatnang ginagahasa si Cornejo sa isang unit ng Forbeswood Heights condominium sa Taguig City nitong Enero 22.
Pinabulaaanan naman ito ni Navarro at sinabing na-set up siya ng grupo ni Cornejo at Lee.
Kinasuhan na ng NBI nitong kamakalawa sina Cornejo, Lee at iba pang kasamahan nila ng kidnapping, serious illegal detentionserious physical injuries, grave threats, grave coercion, unlawful arrest, threatening to prevent publication in exchange for compensation na walang piyansa.
Kaugnay na balita: Lee, Cornejo kinasuhan ng NBI sa 'pambababoy' kay Vhong
Samantala, naghain ng kasong rape si Cornejo laban kay Vhong kahapon sa Taguig Prosecutor's Office.
Sinabi ng kampo ni Cornejo na na-trauma siya sa ginawa sa kanya ni Navarro noong Enero 22.
Kaugnay na balita: Vhong kinasuhan ng rape ni Cornejo
Anila, may mga testigo silang magpapatunay sa ginawang krimen ni Vhong at ang mga nakita sa closed circuit television cameras ay kulang.
Lumabas sa imbestigasyon ng NBI na imposibleng may maganap na panggagahasa base sa kuha ng closed-circuit television cameras sa lobby at elevator ng condominium.