MANILA, Philippines - Masusing imbestigasyon at monitoring ngayon ang isinasagawa ng National Bureau of Investigation (NBI) hingÂgil sa ulat ng pagpunta sa SingaÂpore nina Cedric Lee at Deniece Cornejo sa gitna ng isyu ng pambubugbog kay Vhong Navarro.
Ayon kay NBI Director VirÂgilio Mendez, isasangguni nila ito kay Justice Secretary Leila de Lima upang malaman kung ano ang mga susunod na dapat gawin matapos na lumutang ang pangalan ng dalawa sa integrated informaÂtion at booking system ng PhiÂlippine Airlines (PAL).
Batay sa rekord, nakapag-book ang dalawa ng biyahe pa-Singapore via PAL flight PR 503, alas-7:55 ng umaga ng Pebrero 6. Napag-alaman nai-book ang flight dalawang araw lamang ang nakakaraan, sa gitna ng pagsabog ng isyu ukol sa kinahinatnan ni NaÂvarroÂ. Sa ngayon, hindi pa “confirmed†ang booking dahil hindi pa ito nababayaran. Oras na mabayaran, iisyuhan na ang mga ito ng electronic ticket.
Hindi naman makumpirma ng airline sources kung mismong sina Lee at Cornejo ang nag-book ng biyahe. Sa deÂtalye naman ng source sa Bureau of Immigration (BI), wala pa ang pangalan ng dalawa sa Immigration watch list o hold departure order (HDO) na magÂpipigil sana sa mga itong lumabas ng bansa. Inamin naman ng Immigration Intelligence personnel na nakatutok sila sa isyu at binabantayan nila ang mga posibleng pag-alis ng mga sangkot dito.
Sa ngayon ayon sa BI, wala pang hold departure order na umiiral laban sa negosÂyanteng si Lee at Cornejo.