‘Set-up’ kay Vhong sapul sa CCTV
MANILA, Philippines - Sapul na sapul at matibay na basehan ang mga closed circuit television (CCTV) footages na hawak ng National Bureau of Investigation (NBI) na ipinakita sa mga mamamahayag kahapon sa naging pahayag ng aktor/TV host na si Vhong Navarro na sinet-up siya ng grupo ng negosÂyanÂteng si Cedric Lee at moÂdeÂlong si Deniece Cornejo.
Kitang-kita sa mga footages na hawak ng NBI na kuha sa Forbeswood Heights, makikita ang pagpasok sa conÂdominium ni Navarro na may dalang supot na pinaniniwalaang pagkain dakong alas-10:38 ng gabi. Dalawang minuto o saktong alas-10:40 ay lumabas naman ng condo unit si Deniece at makalipas ang isang minuto ay makikita naman sa footage ang pagdating ni Cedric Lee.
Nang oras na yon ay nasa labas ng unit si Deniece. Dakong ala-1:43 ng madaling-araw nakita sa footage ang isang Ferdinand Guererro na isa sa itinuturong suspek din.
Makikita rin ang presensiya doon ng iba pang lalaki na dumating na itinuturong mga kasama ni Cedric, na umaabot sa tatlo at sa pagbaba ay makikitang anim na ang lalaki na may hawak kay Navarro, gayung hindi pa nakikita sa footages kung bakit naging anim sila. Dahil dito, mas nasuportahan umano ang affidavit ng actor na sa pagpasok niya sa kuwarto ay may dalawang lalaki na sa loob ng unit ni Cornejo na agad na tumutok sa kanya ng baril bago dumaÂting sina Cedric.
Naniniwala si Atty. Vicente De Guzman, director NBI-NaÂtional Capital Region na maÂituturing na malakas na susuportang ebidensya ang mga hawak nilang footages para sa isinampang patung-patong na kaso laban kina Cornejo, Lee at anim pa katao.
Patuloy pa aniya, na naÂngangalap ng mga ebidensiya at kabilang sa kanila pang hinihintay footage noong Enero 17, 2014 na dito unang pinuntahan ni Navarro si Cornejo sa kanyang unit.
Plano rin ng NBI na ilagay sa kanilang kustodiya ang cellphone ni Navarro para ma-retrieve ang palitan nila ng mensahe ni Cornejo.
Pinadalhan na rin nila ng subpoena si Soledad Ramos, ang may-ari ng condo unit na inuupahan ni Cornejo, gayundin ang dalawa pang lalaki na kasama rin sa grupo nina Cedric Lee na sina Jaypee Calma at Jed Fernandez.
Bukod kay Lee at Cornejo kasama sa kinasuhan sina Bernice Lee, Ferdinand Guerrero, Zimmer Rance, isang alyas Mike, at dalawang iba pa na pinaniniwalaang ito sina Calma at Fernandez na nasa loob na ng condo ni Cornejo.
Kabilang sa mga kasong isinampa ni Navarro ang grave threats, grave coercion, seÂrious physical injuries, blackmail, unlawful arrest at illegal detention.
- Latest