MANILA, Philippines – Naghain na ng kasong rape ang modelong si Deniece Cornejo laban sa TV host Vhong Navarro sa Taguig Prosecutor's Office ngayong Miyerkules.
Kasamang naghain ng kaso ni Cornejo ang kanyang abogadong si Howard Calleja.
Kaugnay na balita: NBI sa kaso ni Vhong: Walang rape
Sinabi ni Calleja na nakaranas ng “trauma†ang kanyang kliyente kasunod nang umano’y panggagahasa ni Navarro noong Enero 22 sa loob ng tinutuluyang condominum unit ng modelo sa Bonifacio Global City Taguig.
Anila, may mga testigo silang magpapatunay sa ginawang krimen ni Vhong at ang mga nakita sa closed circuit television cameras ay kulang.
Kaugnay na balita: Lee, Cornejo kinasuhan ng NBI sa 'pambababoy' kay Vhong
"What we have here are eyewitnesses that can tell you the whole story," sabi ni Calleja.
Sinabi pa ng abogado na ang kliyente niya ang biktima at hindi si Navarro.
Nauna nang kinasuhan ng National Bureau of Investigation si Cornejo, Cedric Lee at iba pa nilang kasamahan ng kidnapping, serious illegal detention, serious physical injuries, grave threats, grave coercion, unlawful arrest, threatening to prevent publication in exchange for compensation.