^

Metro

Flight ni Cornejo at Lee pa-Singapore 'di pa kumpirmado ng NBI

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Hindi pa makumpirma ng National Bureau of Investigation (NBI) ang mga ulat na nakapag-book ng flight sina Deniece Cornejo at Cedric Lee patungong Singapore sa susunod na buwan.

Sinabi ni NBI-National Capital Region director Vicente de Guzman na tinututukan muna nila sa ngayon ang anggulong pambubugbog sa TV host Vhong Navarro.

Kaugnay na balita: Lee, Cornejo kinasuhan ng NBI sa 'pambababoy' kay Vhong

Dagdag ni De Guzman na may iba namang ahensya ng gobyerno ang maaaring tumingin kung totoo ang naiulat na pagbiyahe ni Cornejo at Lee.

Ayon sa mga source, nakapagbook ng Philippine Airlines flight patungong Singapore sina Cornejo at Lee. Nakatakda silang umalis sa Pebrero 6.

Kinasuhan na ng NBI sina Cornejo, Lee at iba pa nilang kasamahan ng kidnapping, serious illegal detention, serious physical injuries, grave threats, grave coercion, unlawful arrest, threatening to prevent publication in exchange for compensation.

Kaugnay na balita: NBI sa kaso ni Vhong: Walang rape

Nag-ugat ang isyu nang bugbugin ng grupo ni Lee si Navarro noong Enero 22 sa tinutuluyang condominium unit ni Conejo sa Forbeswood Heights condominium sa  Bonifacio Global City Taguig.

Samantala, sinabi ng kampo ni Lee na inupakan nila ang TV host matapos mahuling ginagahasa si Cornejo.

 

BONIFACIO GLOBAL CITY TAGUIG

CEDRIC LEE

CORNEJO

DE GUZMAN

DENIECE CORNEJO

FORBESWOOD HEIGHTS

KAUGNAY

LEE

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

NATIONAL CAPITAL REGION

NBI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with