Call center na cyber sex den nabuking ng NBI

MANILA, Philippines – Nabuking ng mga awtoridad ang operasyon ng cybersex den na nagpapanggap na call center sa Quezon City.

Sinugod ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation ang international firm Contact Center Solutions sa Anonas, Quezon Cty kung saan nag-aalok ang kompanyan ng website na may child pornography.

Kinumpiska ng NBI ang mga computer upang gamiitng ebidensiya laban sa naturang kompanya.

Karamihan sa mga parokyano ng pornography website ay mga taga-Europe at Australia.

Nauna nang sinugod ng NBI ang Werrcomm Solutions Inc. sa Sta. Mesa, Maynila na isa ring cyber sex den na nagpapanggap na call center.

Isa ang Pilipinas sa mga bansang pinagmumulan ng child pornography na ibinebenta sa buong mundo.

 

Show comments