^

Metro

2 utas sa pamamaril sa Taguig

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Gantihan ang inisyal na nakikitang motibo sa naganap na pamamaril sa isang grupo ng lalaki na nagre­sulta sa pagkasawi ng dalawa katao at pagkasugat ng dalawa pa sa loob ng isang compound sa Taguig City, kamakalawa ng gabi.

Namatay kaagad sanhi ng mga tama ng bala ng hindi pa batid na kalibre ng baril sa ulo at kamay sina Mark Gonzales, 19 at Mark Lou Benito, 31, kapwa residente ng Purok 6 Dela Paz St.,Ibayo, Brgy. Napindan.

Sugatan naman sina Joel Valenzuela, 37 at Joshua Diocson, 54.

Sa imbestigasyon, apat na lalaki ang nagtangkang pumasok sa compound sa Purok 6 Dela Paz Street dakong alas-8:40 ng gabi.  Sinusundan umano ng mga ito ang biktimang si Valenzuela ngunit sinita at hinarang ito ng isa pang biktima na si Gonzales.

Umalis ang grupo ng mga suspek ngunit muling bumalik na armado na ng mga baril at niratrat ang grupo ng mga biktima saka mabilis na nagsitakas.

Kamakailan lamang ay may nakaaway umano ang isa sa mga anak ng may-ari ng isa sa bahay sa loob ng compound kaya’t inaalam nila kung may kaugnayan ito sa naturang pamamas­lang.

Inaalam rin naman ng mga pulis kung may koneksyon kay Valenzuela ang mga salarin dahil sa dayo lamang sa lugar ito.

vuukle comment

DELA PAZ ST.

DELA PAZ STREET

JOEL VALENZUELA

JOSHUA DIOCSON

MARK GONZALES

MARK LOU BENITO

PUROK

TAGUIG CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with