MANILA, Philippines - Dalawang hindi pa nakiÂkilalang mga holdaper ang patay makaraang makipag-engkwentro umano sa mga awÂtoridad ilang minuto matapos na holdapin ang isang gas station sa lungsod Quezon.
Ayon kay Quezon City Police District Chief Supt. Richard Albano, ang insidente ay buÂnga ng ipinapatupad nilang anti-criminality operation kung saan mahigpit na seguridad ang kanilang ipinapatupad laban sa mga riding in tandem suspect.
Naganap ang insidente sa panulukan ng 11th St., maÂlapit sa Balete Drive, Brgy. Mariana, ganap na alas-12:05 ng madaling-araw.
Bago ito, hinoldap umano ng mga suspek ang Flying V gasoline station na matatagpuan sa G. Araneta Avenue, malapit sa panulukan ng E. Rodriguez St., Blvd, Brgy. Doña Imelda.
Matapos makuha ang paÂkay, agad na umalis ang mga suspek patungong E. Rodriguez Sr., Blvd., patunong CuÂbao. Pero mabilis na ipinagÂbigay alam ng biktima ang pangÂÂyayari sa nagpapatrulÂyang mobile car na QC-168 ng pulisya at humingi ng back up.
Pagsapit sa kahabaan ng 11th St., malapit sa panulukan ng Balete Drive, Brgy. MaÂriana, sa halip na sumuko, pinaputukan ng mga suspek ang mga awtoridad dahilan para maÂÂuwi ito sa engkuwentro. MaÂÂtapos ang ilang minutong paÂlitan ng putok, nakita na lamang ang dalawa na nakabulagta sa kalye at wala nang mga buhay.
Narekober sa lugar ang dalawang cellphone, isang kalibre 38 baril, isang kalibre 22 magnum at mga basyo ng bala ng baril, at isang Honda XRM 110 na kulay itim at walang plaka.