^

Metro

2 holdaper bulagta sa engkuwentro­

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dalawang hindi pa naki­kilalang mga holdaper ang patay makaraang makipag-engkwentro umano sa mga aw­toridad ilang minuto matapos na holdapin ang isang gas station sa lungsod Quezon.

Ayon kay Quezon City Police District Chief Supt. Richard­ Albano, ang insidente ay bu­nga ng ipinapatupad nilang anti-criminality operation kung saan mahigpit na seguridad ang kanilang ipinapatupad laban sa mga riding in tandem suspect.

Naganap ang insidente    sa panulukan ng 11th St., ma­lapit sa Balete Drive, Brgy. Mariana, ganap na alas-12:05 ng madaling-araw.

Bago ito, hinoldap umano ng mga suspek ang Flying V gasoline station na matatagpuan sa G. Araneta Avenue, malapit sa panulukan ng E. Rodriguez St., Blvd, Brgy. Doña Imelda.

Matapos makuha ang pa­kay, agad na umalis ang mga suspek patungong E. Rodriguez Sr., Blvd., patunong Cu­bao. Pero mabilis na ipinag­bigay alam ng biktima ang pang­­yayari sa nagpapatrul­yang­ mobile car na QC-168 ng pulisya at humingi ng back up.

Pagsapit sa kahabaan ng 11th St., malapit sa panulukan ng Balete Drive, Brgy. Ma­riana, sa halip na sumuko, pinaputukan ng mga suspek ang mga awtoridad dahilan para ma­­uwi ito sa engkuwentro. Ma­­tapos ang ilang minutong pa­litan ng putok, nakita na lamang ang dalawa na nakabulagta sa kalye at wala nang mga buhay.

Narekober sa lugar ang dalawang cellphone, isang kalibre 38 baril, isang kalibre 22 magnum at mga basyo ng bala ng baril, at isang Honda XRM 110 na kulay itim at walang plaka.

ALBANO

ARANETA AVENUE

BRGY

FLYING V

QUEZON CITY POLICE DISTRICT CHIEF SUPT

RODRIGUEZ SR.

RODRIGUEZ ST.

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with