MANILA, Philippines - Itinanggi kahapon ni Chairman Joseph Ong ng Brgy. 271, 7one 25 na siya ang nasa likod ng malawakang koleksiyon sa mga illegal vendors sa DiviÂsoria, Manila.
Reaksiyon ito sa lumabas na ulat kahapon nang mahuli ng mga tauhan ng Manila City Hall-Manila Action and Special Assignment (MASA) ang barangay tanod na si Ricky Rosas ng Sto. Cristo St., ng nasabing lungsod.
Ayon kay Ong, hindi totoong tumakas siya sa isinagaÂwang operasyon ng mga awÂtoridad dahil nang isagawa ang entrapment operation, nasa loob lamang siya ng kanilang barangay hall.
Mapapatunayan aniya ng kanilang CCTV camera na hindi siya kasama sa kalokohan ni Rosas at lalo para masangkot sa anumang pangongotong sa kanilang lugar. Nangyari ang entrapment operation sa Tabora St. at hindi ito alam ng kapitan.
Aniya, mahigpit ang kaÂniÂlang kampanya laban sa illegal vendors, higit lalo ay mahigpit ang kanyang tagubilin kontra kotong.
Dahil dito, pati mga lehitimong vendors ay pumalag sa lumabas na ulat dahil kilala nila ang barangay kapitan na hindi kailanman tumatanggap ng lagay. Isang alyas Mike umano na opisyal ng mga vendors ng mga prutas ang nag-utos kay Rosas para manguha ng intelihensiya, pero walang alam dito ang kapitan, ayon pa sa mga lehitimong vendors.
Dahil dito, nanawagan si Chairman Ong sa pamunuan ng Manila City Hall-MASA na iberipika nang husto ang kaÂnilang detalye hinggil sa kotongan sa Divisoria dahil alam aniya ng mga ito na pulis at sibilyan ang nasa likod ng sindikato sa Divisoria.