Tensyon naghari sa demolisyon
MANILA, Philippines - Naghari ang tensyon sa isinagawang demolisyon sa Sitio San Roque sa Brgy. Pag-asa sa Quezon City makaraang magÂpaulan ng bato at pillbox ang mga residente sa demolition team, kahapon ng tanghali. Umaga pa lamang ay nagÂsagawa na ng barikada ang mga residente sa lugar matapos tumangging lisanin ang lugar at para pigilan ang demolition team na gibain ang kanilang mga bahay.
Ayon sa ulat, dakong alas-12:45 ng tanghali nang umulan ng bato, pillbox, bote at mga dumi ng tao mula sa mga residente patungo sa demolition team, subalit hindi pa rin ito naging hadlang sa grupo ng huli na itigil ang demolisyon.
Aabot sa limang 10-wheeler dump truck na demolition personnel ang ipinakalat sa lugar para i-demolis ang mga bahay matapos maunang gibain ang mga tindahan at puwesto sa loob ng Manila Seedling Bank Foundation Inc. (MSBFI) maÂtaÂpos ang kaÂutusan buhat sa city government. Ilang minuto din nagkaroon ng tensyon sa pagitan ng mga residente sa lugar at demolition crew.
Ayon sa ilang residente na tumangging magpabanggit ng kanyang pangalan binigyan umano siya ng P25,000 at ang kanyang pamilya para lumipat sa resettlement site subalit umalis din sa bago nilang bahay sa San Jose Del Monte, Bulacan dahil sa kawalan ng tubig sa lugar at kawalan ng mapagkakakitaan.
Umapila naman ang mga residente kay Pangulong Aquino at sa mga ahensya ng gobyerno na maglaan ng mga hanapbuhay sa mga residente na malilipat sa resettlement site upang hindi na bumalik ang mga ito sa dati nilang mga bahay.
- Latest