MANILA, Philippines - Patay ang isang pulis na hinihinalang miyembro ng kidnap for ransom at pagnanakaw ng mga sasakyan matapos makaengkwentro ang mga awtoridad sa Quezon City.
Nakilala ang suspek na si Police Officer 1 Reniel Abogado na namatay matapos makipagbarilan sa mga kapwa pulis kaninang madaling araw sa Payatas sa lungsod ng Quezon.
Sinabi ni Quezon City Police District director Chief Superintendent Richard Albano na kabilang si Abogado sa pagnanakaw ng sasakyan sa may panulukan ng Regalado at Dahlia sa Fairview bandang 3:30 ng madaling araw.
Lulan ng motorsiklo si Abogado nang makaengkwentro ng mga awtoridad sa may Payatas road malapit sa Violaga Subdivision bandang 4:15 ng umaga.
Nabawi mula sa suspek ang isang .45 pistol.