^

Metro

Nagalit sa pagsipol sa kaibigan Lalaki patay sa saksak

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang lalaki ang patay habang sugatan din ang kaibigan nito makaraang saksakin ng hindi pa nakikilalang suspek makaraang mauwi sa rambulan ang pagsipol ng huli sa kaibigang babae ng mga una sa lungsod Quezon kahapon ng madaling araw.

Binawian din ng buhay sa ospital si Raymond Obar, 22, dahil sa tama ng saksak sa sikmura habang ang kaibigan nitong si Joshua Diasanta, 18, ay nakaratay ngayon sa ospital bunga ng tama ng saksak sa kaliwang hita, ayon kay SPO2 Cris Zaldarriaga, may-hawak ng kaso.

Ayon kay Zaldarriaga, nag-ugat lamang ang insidente sa pagsipol ng mga suspek. Inaalam na nila ang pagkakakilanlan ng nasabing salarin.

Sa imbestigasyon, nangyari ang insidente sa may harap ng PC building na matatagpuan sa south bound ng Mindanao Avenue­, corner Quirino Highway, Brgy. Talipapa, ganap na ala 1 ng madaling-araw.

Bago nito, naglalakad ang mga biktima kasama ang mga kaibigang sina Angel Diaz, Jemai Banjandi, at Oswald Ra­males, sa nasabing lugar papauwi ng kanilang bahay nang sipulan umano ang mga ito ng suspek.

Dahil dito, nairita ang grupo ng mga  biktima, sanhi para lapitan ng mga huli ang suspek at komprontahin.

Ang komprontasyon ay nauwi sa suntukan hanggang sa maglabas ng patalim ang suspek at undayan ng saksak ang dalawa. 

Matapos ang pananaksak ay agad na sumibat palayo ang suspek, habang ang mga biktima ay hiwalay na isinugod sa ospital, kung saan si Obar ay isinugod sa Global Pacific Me­dical Center, pero idineklara ding patay, habang si Diasanta naman ay sa Quezon City General Hospital kung saan ito ngayon nakaratay.

Patuloy ang imbestigasyon ng awtoridad sa nasabing insidente.

vuukle comment

ANGEL DIAZ

CRIS ZALDARRIAGA

GLOBAL PACIFIC ME

JEMAI BANJANDI

JOSHUA DIASANTA

MINDANAO AVENUE

OSWALD RA

QUEZON CITY GENERAL HOSPITAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with