Supervisor, dedo sa tandem

MANILA, Philippines - Isang 33-anyos na bingo­ supervisor ang patay ma­ta­pos na pagbabarilin ito ng da­­­la­wang hindi kila­lang­ ka­la­­lakihan na riding in tan­­dem at sugatan naman ang dalawang tricycle driver nang tamaan ang mga ito ng ligaw na bala sa Pasay City kahapon ng ma­daling-araw.

Dead  on  the spot ang biktimang si John Lloyd Garcia, nakatira sa #168 Libis Espina St., Caloocan City, supervisor­ sa Extreme Bingo at IPI Tower sa Gil Puyat Avenue at Metropoint Mall sa EDSA Ave­nue, Pasay City, nagtamo ito ng tama ng bala sa ulo buhat sa hindi pa batid na kalibre ng baril.

Samantala, nilalapatan na­man ng lunas sa Pasay City General Hospital ang mga tricycle drivers na sina  Edmond Egat, 25, tinamaan ng ligaw na bala sa kanang paa at Edward Tingson, 61, tinamaan na­man sa kanang hita.

Nagsasagawa pa ng follow-up ang Pasay City Police hinggil sa insidente at inaalam pa ang pagkaka­kilanlan ng mga suspek.

Lumalabas sa pagsisiyasat ng pulisya, naganap ang insidente ala-1:00 ng mada­ling araw malapit sa pinagtratrabahuan ng biktima sa naturang binguhan sa may EDSA Avenue ng naturang siyudad.

Nakasakay ng scooter ang biktima at hindi nito nama­layan ang paparating na motorsiklo na sakay ang mga sus­­pek at walang salitang pi­­­­­nagbabaril ang una na na­ging dahilan ng agaran nitong kamatayan at ang dalawa naman na tinamaan ng ligaw na bala ay dinala sa naturang
ospital.

Nabatid na pinaaalis umano­ ng biktima ang ilang bystander na pakalat-kalat malapit sa binguhan dahil maingay ang mga ito.

Kung kaya’t iniimbestigahan ng mga pulis kung may kinalaman ito sa pagpaslang sa naturang biktima.

 

Show comments