Bgy. chairman, tanod inireklamo ng kotong
MANILA, Philippines - Laglag sa mga tauhan ng Manila City Hall-Manila Action and Special Assignment (MASA) ang isang barangay tanod na kabilang sa tatlong lalaki na inireklamo ng pangongotong kung saan nakatakas ang barangay chairman sa isinagaÂwang entrapment operation sa Binondo, Maynila kamakalawa ng gabi.
Ayon kay Insp. Manny Laderas, chief Operation Division ng MASA, tanging si Bgy. Tanod Ricky Rosas, ng Brgy. 271 Zone 25 at residente ng 751 Sto.Cristo St., Binondo ang nasakote samantalang nakatakas naman umano si Bgy. Chairman Joseph Ong alyas Onse at isang Michael Galang.
Batay sa ulat ni PO2 Christopher Razon, may hawak ng kaso dakong alas-9:45 ng gabi, nang ilatag ang isang entrapÂment operation sa pangunguna ni Laderas, sa M.De Santos St., sa Binondo.
Bago ang nasabing entrapment operation, na isinagawa ng mga tauhan ni Chief Insp.Bernabe Irinco, hepe ng MASA, naghain ng reklamo sa kanyang tanggapan ang ilang maniÂniÂnda sa nasabing lugar na di-umano’y bukod sa pangoÂngoÂlekta sa kanila ng mga tauhan ng Manila City Hall-HawkersÂ, pahirap sa kanila si Rosas.
Ang nasabing suspek ay nangongotong umano sa kahaÂbaan ng Elcano St., hanggang sa M. De Santos St., sa umano’y P450.00 kada linggo, bawat manininda.
- Latest