MANILA, Philippines - Pinaniniwalaang biktima na naman ng salvaging ang isang hindi pa kilalang lalaki na natagpuan sa loob ng kahon na inabandona, sa likod ng Tondo Sports Complex, maÂÂlapit sa Manila Police DisÂtrict-station 2, kahapon ng umaga.
Sa paglalarawan ni SPO2 Glenzor Vallejo ng MPD-HoÂmicide Section, tinatayang nasa 25 hanggang 30-anyos, nasa 4’11 ang taas, katamtaman ang pangangatawan, maÂÂÂputi at nakasuot lamang ng kulay asul na brief ang biktima.
Nakaluhod ito sa loob ng kahon na nababalutan ng packaging tape ang mukha at saka tinakpan ng itim na garbage bag, may nakapulupot pang itim na electrical wire sa leeg, may mga sugat sa dibdib na umano’y mga tama ng saksak .
Pinaniniwalaang hindi iisa ang may kagagawan ng krimen dahil sa sobrang pagpapahirap dito.
Nabatid sa ulat na dakong alas-6:30 ng umaga nang madiksubre ang malaÂking kahon sa nasabing lugar, sa J. Nolasco St., maÂlapit sa himpilan ng Moriones Police Station.
Patungo umano sa simbahan ng Sto. Niño ang isang Teofilo Tatlonghari ng J.Nolasco St, nang maagaw ang kaniyang pansin ng maÂlaking kahon at nang lapitan ay nakita niya na may agos ng dugo mula sa kahon.
Pinakialaman niya upang makita ang nasa loob at tumambad nga ang bangkay na nakaluhod at agad namang ipinaalam sa nasabing presinto.