^

Metro

30 pupils minolestiya ng photographer

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinipigil sa Manila Police District-Station 4 ang isang school photographer nang ireklamo ng mga grade 6 pupil na nangmolestiya sa kanila habang kinukunan sila ng picture para sa school graduation sa Sampaloc, Maynila, ayon sa ulat kahapon.

Kinilala ang suspek na si Misael Calam, ng Aurora Bou­levard, Sta. Cruz, Maynila at photographer umano ng Moises­ Salvador Elementary School sa Sampaloc, Maynila.

Batay sa ulat ni PO2 Emalyn Rosales, dinakip ang suspek  ng mga tauhan ng MPD-University Belt Area Police Community Precinct, dakong alas-5:00 ng hapon kamakalawa sa mismong eskwelahan kasunod ng inihaing reklamo ng may 30 estudyante na pa­wang nasa Grade VI.

Isa umano sa bawat section ng Grade VI ang kinukunan ng litrato ng naka-toga at ang nasabing photographer pa umano ang nag-aayos ng toga, kung saan habang tinatanggal ang butones ng blusa ng mga batang babae ay sinasabayan ng pagkapa sa ka­nilang dibdib.

Bukod pa umano ito sa ginagamit ang tuhod ng suspek sa pagkiskis sa maselang parte ng katawan ng mga pupil.

Mahigpit man ang depensa ng suspek, dehado naman siya sa mas maraming paha­yag ng mga estudyante.

Desidido ang mga magulang na ituloy ang pagsasampa ng kaso laban sa suspek.

AURORA BOU

BATAY

BUKOD

EMALYN ROSALES

MANILA POLICE DISTRICT-STATION

MAYNILA

MISAEL CALAM

SALVADOR ELEMENTARY SCHOOL

UNIVERSITY BELT AREA POLICE COMMUNITY PRECINCT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with