Ginang nadale ng ‘Dugo-dugo’ gang
MANILA, Philippines - Nalimas ang halos P1.6 milyong halaga ng alahas ng isang ginang matapos na mabiktima ng ‘Dugo-dugo gang’ ang kanyang anak na babae sa modus operandi na naÂsangÂkot siya sa vehicular accident at nangangailangan ng malaking halaga, ayon sa Quezon City Police District kahapon.
Ang biktima ay nakilalang si Marissa Cathelineau, 53.
Ayon kay PO2 Rhic Pittong, imbestigador ang mga alahas ay dinala ng menor de edad na anak ng biktima sa isang mall sa Fairview ganap na ala-1 ng hapon.
Si Marissa ay lumabas ng kanilang bahay sa Caloocan City at iniwan ang kanyang anak.
Bago ito, nakatanggap ang anak ng biktima ng tawag sa telepono mula sa isang babae na nagsabi na ang kanyang nanay ay nasangkot sa isang vehicular accident.
Sinabihan ng suspek ang bata na nangangailangan ng pera ang kanyang nanay para pambayad kaya kailangang kunin na rin nito ang mga alahas.
Dahil dito,cagad na kinuha ng bata ang gamit ng kanyang nanay tulad ng diamond ring, Italian gold bracelet, 10 gold pendants, gold earrings, at cash na nagkakahalaga ng P15,000, at iba pa.
Matapos nito ay dinala niya ang items sa bus stop na tulad ng usapan na katabi ng mall. Pagdating dito ay sinalubong ang bata ng suspek na babae at kinuha ang dala niya, saka umalis. Pag-uwi ng bata ay saka nalamang naloko lamang siya matapos makita ang kanyang nanay.
- Latest