Mabigat na trapik sa Sta. Mesa sa Sabado, asahan
MANILA, Philippines - Dapat nang asahan ng publiko ang mabigat na daloy ng sasakyan sa Sabado.
Ito naman ang paalala ng pamunuan ng Polytechnic University of the Philippines (PUP) sa publiko at mga motorista kaugnay ito sa gaganaping college entrance examination para sa mga unang batch ng examinees sa Sabado mula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon.
Sinabi ni Dr. Ruby Gapasin, director ng PUP Communications Management Officer, na aabot sa 22,000 estudyante ang nakatakdang kumuha ng exam sa SaÂbado. Napag-alaman na ang suÂsunod na batch naman ay gaganapin sa February 15.
Pinapayuhan rin ang pubÂliko na umiwas muna sa Sta. Mesa sa mga nasabing petsa.
Nakikipag-ugnayan na umano ang PUP sa Manila Traffic Unit para sa deployment ng mga enforcer.
Taun-taon ay umaabot sa 50,000 estudyante ang kuÂmukuha ng pagsusulit sa PUP, ang pinakamalaking state university sa bansa, subalit nasa 8,000 lamang tinatanggap o nakapapasa.
- Latest