MANILA, Philippines - Isang sunog ang sumiklab sa isang slum area na nagÂdulot nang matinding pagsisikip ng trapik sa mga motorista sa Pasay City kahapon ng umaga.
Sa inisyal na ulat ng Pasay City Fire Department, alas-10:45 nang maganap ang sunog sa ilang kabahayan sa Tiedra Compound, Protacio at Ilang-Ilang Sts., maÂlapit sa may Taft Avenue, Brgy. 137 ng naturang lugar.
Nagsimula muna ang sunog sa Protacio St. at dahil mabilis ang pagkalat ng apoy ay umabot ito sa Ilang-Ilang St., kung saan may ilang sasakyan na rin ang nadamay sa sunog.
Tinupok ng malakas na apoy ang mga kabahayan sa naÂturang lugar at maraÂming paÂmilya ang naapektuhan dito. Dahil dito sumikip na rin ang daloy ng trapiko sa area ng Taft Avenue.
Inaalam pa ng mga awtoridad ang sanhi ng sunog at kung magkano ang halaga ng mga ari-ariang naÂabo. Wala namang iniulat na nasawi o nasugatan sa insiÂdente.