MANILA, Philippines - Asahang gaganda ang pagbaybay sa kakalsadahan ng lungsod ng Quezon matapos aprubahan ng konseho ang halos P90 milyong pondo para sa road rehabilitation programs.
Pumasa sa konseho ng Quezon City ang inihaing resolusyon ng alkaldeng si Herbert Bautista na ayusin ang kalsada sa pinakamalaking lungsod sa Metro Manila.
Inaasahang sisimulan ngayong taon ng city engineering department ang pag-aayos ng kalsada kabilang ang paglalagay ng aspalto.
Nakalaan ang P75.8 milyon para sa pagbili ng bituminous coal at iba pang kagamitan sa paglalapat ng aspalto at maintenance projects, habang sa hiwalay resolusyon naman ang P12.6 milyon para sa pagbili ng dalawang four-wheel hydraulic double-cylinder pre-heater na gagamitin sa paglinya ng kalsada.
“Since Quezon City is one of the country’s most progressive cities, and the population of the city is continuously growing, projects like road repairs are very much needed to provide convenience to residents and others as well,†nakasaad sa resolusyon.
Ipinagmalaki ni Bautista sa kanyang state of the city address ang P2.8 bilyong halaga ng impastraktura na pinondohan ng lungsod.