MANILA, Philippines - Patay na, walang saplot pang-ibaba at may bahid ng dugo ang ari ng isang 6-anÂyos na batang babae nang madiskubre sa maÂdamong bahagi ng Plaza Dilao sa Paco, Maynila, kahapon ng madaling-araw.
Kinilala ang biktimang si Arlyn Joy Balolong, residente ng Barangay 872, sa Pandacan, Maynila, na natagpuang nakasuot na lang ng puting sando, habang may bahid ng dugo at magang-maga umano ang ari nito na hinihinalang piÂnuÂÂwerÂsang pasukan ng maÂtigas na bagay o ginahasa.
Sa ulat ni PO2 Michael Maraggun, dakong alas-12:30 ng madaling-araw nang maÂdiskubre ang inaÂbandonang bangkay ng bikÂtima sa nasabing plaza, malapit sa lumang PNR StaÂtion sa Pres. QuiÂrino AveÂnue, Paco.
Positibong kinilala ng kaÂniyang inang si Elizabeth ang biktima, na ayon dito ay huling nakitang buhay bandang alas-10:00 Linggo ng gabi sa tindahan na malapit sa kanilang bahay.
Nang pauuwiin na makalipas ang 30 minuto ay hindi na ito makita hanggang sa may mabalitaan na may naÂtagpuang patay sa Plaza Dilao.
Sa kuwento ng barangay tanod na si Ramon Sus ng Brgy. 825, Zone 89, nagroronda sila nang mapansin na may naiwang maong na pantalon sa lugar na pinagdudahan.
Naghinala siyang may kaÂkaibang pangyayari sa lugar at nang libutin ang madilim na bahagi ay nakita ang nakadapang katawan ng biktima dahilan upang ipagbigay alam sa Punong Barangay at sa MPD-Station 10 na siyang nagreport sa MPD.
Batay sa mga nakalap umanong pahayag, bago ang insidente, may isang lalaÂking lasing na nakasuot ng t-shirt na puti at maong na panÂtalon ang nakitang gumagala doon.
Patuloy pa ang pulisya sa imbestigasyon upang maÂdakip ang responsable sa kaÂÂrumal-dumal na krimen.