MANILA, Philippines - Sa kabila ng temporary restraining order na ipina-labas ng Supreme Court, itutuloy pa rin ng Senate Committee on Energy ang imbestigasyon kaugnay sa nakaamba pa ring pagtaas ng singil sa kuryente ng Manila Electric Company (Meralco) na pinigil lamang ng SC sa pamamagitan ng temporary restraining order.
Ito ang muling tiniyak kahapon ni Senator Serge Osmeña, chairman ng komite.
“Yes, tuloy ang hearing. I have too much homework to do,†pahayag ni Osmeña.
Paliwanag ni Osmeña, kung tutuusin ay halos kapareho lamang ang presyo ng kuryente sa Pilipinas at sa ibang bansa sa Asia.
Nagmumukha lamang umanong mahal ang presyo ng kuryente sa Pilipinas dahil wala itong subsidy ng gobyerno.
“Basahin niyo din ‘yung USAID report, napakaganda. Prices of electricity compared to other countries. Kung tatanggalin ninyo ‘yung admitted subsidy, kasi marami pang hidden subsidy sa ibang bansa, for the industrial, the Philippines will be P7.42, Singapore is P7.43, Malaysia is P7.30, Indonesia is P6.16, and Thailand is P6.33,†pahayag ni Osmeña.
Balak na rin umanong gayahin ng ibang bansa ang sistema sa Pilipinas dahil hindi na kaya ng ibang gobyerno na i-subsidize ang kuryente katulad ng Indonesia, Thailand at Malaysia.
“Malaki kasi ang subsidy sa ibang bansa… now, you take our 3 closest neighbors – Indonesia, Thailand and Malaysia. Ginagaya nila ngayon, gusto nilang gayahin ngayon ‘yung EPIRA. Kasi hindi nila kaya na i-subsidize. They’re spending about $5 billion a year. $5B a year, with the exchange at P4-P4.5, that will be about P240 billion,†ani Osmeña.
Kung isu-subsidize naman umano ng gobyerno ang kuryente ay mawawala na ang pondo para sa conditional cash transfer at iba pang pondo para sa pagpapatayo ng mga imprastraktura.