MANILA, Philippines - Nangangamba ang mga detainee at ilang kapulisan sa posibleng pagkalat ng sakit sa balat dahil sa kawalan ng supply na malinis na tubig sa Caloocan City Police Station na inirereklamo na rin ang napakabahong amoy nito.
Nabatid na ilang linggo ng walang malinis na tubig sa Caloocan City Police Station, na matatagpaun sa Samson Road ng naturang lungsod.
Bukod sa pagbabantay sa mga preso sa nasabing istasyon ay obligado na ang mga nagbabantay na mga pulis na umiigib ng tatlong beses sa isang araw upang may magamit sa paliligo ang mga nakakulong.
“Hindi naman namin puwedeng pabayaan ang mga inmate na walang magamit na tubig sa kanilang paliligo kaya kailangan namin mag-igib ng tubig para sa kanila†ito ang hinaing ng mga pulis na nakatalaga sa Caloocan City Police Station Jail Sectionâ€.
“Kapag siguro kumalat ang mga sakit sa balat ng mga nakakulong ay saka pa siguro gagawa ng paraan ang mga namumuno sa Caloocan City Police†dagdag pa ng mga pulis.
Panawagan nila sa kanilang hepe na si Senior Supt., Bernard Tambaoan at kay Northern Police District Director na si Chief Supt., Edgar Layon na makabitan muli ng malinis na tubig ang nasabing police station.
Maging ang banyo ng Caloocan City Police ay isinasara dahil walang panglinis na tubig kaya umaalingasaw sa naturang himpilan ng pulisya ang baho.
Nabatid na naputol ang koneksiyon ng tubig sa Caloocan City Police Station matapos mabigong mabayaran nito ang Maynilad.