^

Metro

Ilang linggo ng walang tubig: Caloocan Police umaalingasaw

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nangangamba ang mga detainee at ilang kapulisan sa posibleng pagkalat ng sakit sa balat dahil sa kawalan ng supply na malinis  na tubig sa Caloocan City Police Station na inirereklamo na rin ang napakabahong amoy nito.

Nabatid na ilang linggo ng walang malinis na tubig sa Caloocan City Police Station, na matatagpaun sa Samson Road ng naturang lungsod.

Bukod sa pagbabantay sa mga preso sa nasabing istasyon ay obligado na ang mga nagbabantay na mga pulis na umiigib ng tatlong beses sa isang araw upang may magamit sa paliligo ang mga nakakulong.

“Hindi naman namin puwedeng pabayaan ang mga inmate na walang magamit na tubig sa kanilang paliligo kaya kailangan namin mag-igib ng tubig para sa kanila” ito ang hinaing ng mga pulis na nakatalaga sa Caloocan City Police Station Jail Section”.

“Kapag siguro kumalat ang mga sakit sa balat ng mga nakakulong ay saka pa siguro gagawa ng paraan ang mga namumuno sa Caloocan City Police” dagdag pa ng mga pulis.

Panawagan nila sa kanilang hepe na si Senior Supt., Bernard Tambaoan at kay Northern Police District Director na si Chief Supt., Edgar Layon na makabitan muli ng malinis na tubig ang nasabing police station.

Maging ang banyo ng Caloocan City Police ay isinasara dahil walang panglinis na tubig kaya umaalingasaw sa naturang himpilan ng pulisya ang baho.

Nabatid na naputol ang koneksiyon ng tubig sa Caloocan City Police  Station matapos mabigong mabayaran nito ang Maynilad.

BERNARD TAMBAOAN

CALOOCAN CITY POLICE

CALOOCAN CITY POLICE STATION

CALOOCAN CITY POLICE STATION JAIL SECTION

CHIEF SUPT

EDGAR LAYON

NABATID

NORTHERN POLICE DISTRICT DIRECTOR

POLICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with