^

Metro

Bus nagliyab, 5 establisimyento nasunog

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nasunog ang limang establisimyento matapos tumbukin ng nagliliyab na bus na ipinarada upang kumpunihin sa Commonwealth Avenue sa Quezon City kamakalawa ng gabi.

Sa ulat ni FO2 Jovelyn Panganiban, ng Bureau of Fire Protection, naramdaman ng tsuper ng Fermina Bus (TXK-880) na nagloloko ang makina ng sasakyan kung kaya’t ipinara sa tabi bago pinababa ang mga pasahero sa Commonwealth Avenue dakong alas-10 ng gabi.  

Habang kinukumpini ng mekaniko, bigla umanong nagliyab ang bus at umatras dahil walang kalso ang gulong bago nagdiretso sa mga tindahan ng mga drum at printing press sa nasabi ring lugar.

Hindi agad naapula ang pagliliyab ng bus kung kaya’t na­damay ang mga tindahan na naatrasan nito. Naapula ang apoy makalipas ang kulang isang oras.

Walang naiulat na nasaktan sa insidente subalit hindi na mahagilap ang tsuper ng nagliyab na sasakyan.

Aabot sa P5 milyon ang halaga ng napinsalang ari-arian dulot­ ng pagliliyab ng Fermina Bus na sinasabing sister company ng Don Mariano Transit.

vuukle comment

AABOT

BUREAU OF FIRE PROTECTION

COMMONWEALTH AVENUE

DON MARIANO TRANSIT

FERMINA BUS

HABANG

JOVELYN PANGANIBAN

NAAPULA

QUEZON CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with