Nagdamot ng kuryente, kargador pinatay

MANILA, Philippines - Isang 50-anyos na kargador ang pinagbabaril hanggang sa mapatay ng tatlong lalaki na tinanggihan niyang bigyan ng linya ng kuryente para sa video­ karera, sa Tondo, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Dead on the spot ang bik­timang si Alfredo Maico, na­­­­ma­masukan sa Pier bilang kargador at residente ng Purok 3, Isla Puting Bato, Tondo, Maynila, dahil sa mga tinamong bala sa ulo, batok, kaliwang hita at
braso.

Tinutukoy namang res­pon­­sable sa krimen sina alyas Ritchie, 35, ng Pier 2; Ontoy 18, ng Purok 3; Kulit, 35, ng Purok 4. Naganap ang insidente dakong alas 10:30 ng gabi sa loob ng bahay ng biktima .

Lumitaw na galit si alyas Ritchie sa biktima dahil ayaw pumayag ng huli na magkabit ng linya at sub meter para sa ipupuwestong video karera, nitong nakalipas na dalawang araw. Nagkasagutan pa umano ang dalawa nang sinabihan ng biktima na hindi na puwede ang pakiusap dahil may utang pa si alyas Ritchie na P500 sa kanya.

Natutulog ang biktima sa unang palapag ng kanyang bahay nang pinasok ng mga suspect kasama ang dalawa pang kaibigan nito at pinagbabaril  si Alfredo.

Posible ding nanlaban umano­ ang biktima dahil sa mga gasgas na nakita sa katawan.

 

Show comments