MANILA, Philippines - Pinayuhan ni Manila Mayor Joseph Estrada ang mga scalawags na pulis ng Manila Police District (MPD) na tigilan na ang kanilang mga modus operandi at iba pang illegal activities at sa halip ay pagtuunan ng pansin ang pagbibigay ng serbisyo sa Manilenyo.
Sa pagsasalita ni Estrada sa ika-113 taong anibersayo ng MPD, sinabi nito na nakasalalay sa mga pulis ang pagbabalik ng magandang imahe ng pulisya. Aniya, sa pagtutulungan ng local na pamahalaan, sibilyan at pulis madaling maibabalik ang taguring ‘Manila’s Finest’.
Kasama si Manila Vice Mayor Isko Moreno at MPD director Chief Supt. Isagani Genabe, sinabi ni Estrada na ang malinis na pagseserbisyo sa lungsod ay magdadala din ng maraming turista na makatutulong naman sa pag-angat hindi lamang ng lungsod kundi ng bansa.
Aniya, hindi na dapat pang maulit ang hostage taking na naging dahilan ng mga Chinese upang hindi na magtungo sa Pilipinas.
Samantala, hindi rin nawala ang pagpapatawa ni Estrada nang sabihin nito na nalimutan ni Genabe na tawagin siyang ex-convict samantalang tinawag siya nitong ex-action star, ex-senador at ex-president.
“just like former Senator Aquino, Mahatir Mohammed, prime minister of Malaysia, we are all convicted so we are men of conviction’, ani Estrada.
Nangako din sa Estrada na bibigyan ng P2500 kada buwang allowance ang mga pulis.
Kasabay nito ilan sa mga pinarangalan ay sina PSupt. RodeÂrick Mariano, bilang Station Commander of the Year; PCP commander of the Year si S/Insp. Melchor Villar at Junior PCO of the Year S/Insp. Rosalino Ibay, Jr.