MANILA, Philippines - Patay ang isang ama matapos na saksakin ng kanÂyang sariling anak nang sermunan ng biktima ang suspect sa pagiging sutil at suwail nito sa magulang kahapon sa Caloocan City.
Dead on arrival sa Manila Central University HosÂÂpital sanhi ng saksak sa dibdib ang biktimang si Edwin Lumbres, Sr., 42, nakatira sa Intan St., Bagong Barrio ng naturang lungsod bunsod ng saksak sa dibdib buhat sa isang patalim.
Nasa custody naman ng Caloocan City Police ang suspect na si Edwin Lubres Jr, 17, nakatira sa nasabing ding lugar.
Sa pagsisiyasat ng CaÂloocan City Police, naganap ang insidente alas-9:00 ng umaga sa loob ng bahay ng mag-ama sa naturang lugar.
Nabatid na sinermunan ng biktima ang suspect dahil sa pagiging matigas ang ulo at pasaway sa magulang.
Nagalit ang suspect hangÂgang sa nagtalo ang mag-ama at dito na kumuha ng patalim ang suspect at sinaksak nito ang biktima.
Mabilis na isinugod ang biktima ng kanyang mga kaanak sa naturang ospital, subalit hindi na nakarating ng buhay habang kusang loob namang sumuko sa pulisya ang suspect.