^

Metro

3 arestado, P100-M illegal drugs nasamsam drug laboratory sa The Fort ni-raid ng NBI

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Arestado ang dalawang Canadian national at isang Pinoy na pinaniniwalaang may koneksyon sa Mexican drug cartel sa isinagawang pagsalakay ng National Bureau of Investigation (NBI) sa isang improvised shabu laboratory sa isang condominium building sa Taguig City kahapon.

Nakilala ang mga nada­kip na sina James Riach at Barry Espadilla, kapwa Canadian at ang Pinoy na si Tristan Olazo.

Madaling-araw nang pa­sukin ng mga tauhan ng NBI at Southern Police District (SPD) ang pinaglulunggaang unit ng mga suspek sa The Luxe Residences sa 28th Street cor., 4th Avenue sa Bonifacio Global City, Taguig.

Higit sa P100 milyong halaga ng mga hinihinalang shabu, ecstacy at cocaine ang nasamsam sa “kitchen type drug laboratory” sa isinagawang  pagsalakay. Bukod sa mga finished products ng iligal na droga, nakum­piska rin ang iba’t ibang uri ng laboratory equipments, paraphernalias at mga kemikal.

Nabatid naman na miyembro ng isang sindikato sa Canada sina Riach at Espadilla at nahatulan nang makulong dahil sa iba’t ibang krimen ngunit nagawang makapagtago sa batas.

Bukod dito, may iba pang pagsalakay na ginawa ang NBI sa isa pang condominium sa BGC at isa pang condominium sa Makati Ave­nue, Makati City kung saan naaresto rin ang dalawa pang suspek na hindi muna pina­ngalanan.

Nabatid na nagsusuplay ang naturang sindikato ng mga iligal na droga sa mga mamahaling bar at restoran sa Metro Manila.

BARRY ESPADILLA

BONIFACIO GLOBAL CITY

BUKOD

JAMES RIACH

LUXE RESIDENCES

MAKATI AVE

MAKATI CITY

METRO MANILA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with