MANILA, Philippines - Patay ang isang 18-anyos na binata habang nasa kritikal na kondisyon ang ate nito maÂtapos saksakin ng dalawang lasing na lalaki na kanila lamang inawat kamakalawa ng gabi sa Malabon City.
Dead-on-arrival sa PagaÂmutan Bayan ng Malabon sanhi ng mga saksak sa katawan ang biktimang si FredeÂrick Ajon, habang ginagamot naman sa Tondo Medical CenÂter sanhi rin ng mga saksak sa katawan ang ate nitong si Nerissa Ajon, 28, kapwa ng Block 3, Kadima, Letre Road, Brgy. Tonsuya ng nasabing lungsod.
Nakakulong sa Malabon City Police ang suspek na si Rowel Quiñonez, 32, kalugar ng mga biktima habang pinagÂhahanap pa si Joseph Rubenecio, alyas Totoy, 29, ng Purok 6, Hernandez St., Brgy. Catmon ng naturang lungsod.
Base sa imbestigasyon ni P02 Jun Belbes, ng Station Investigation Branch (SIB), Malabon City Police, naganap ang insidente alas-10:00 ng gabi, malapit sa bahay ng mga biktima sa naturang lugar.
Nabatid, na kainuman ng biktimang si Frederick ang ilang kaibigan nang dumating si Quiñonez at nakisali.
Matapos makaubos ng ilang bote ng alak ay bigla na lamang nagtalo sina QuiñoÂnez at isang nagngangalang Sadam at sandaling umalis ang una.
Makalipas ang ilang sandali ay bumalik si Quiñonez na may dalang jungle bolo at tinangka nitong tagain si SaÂdam, subalit inawat ng nasawi ang suspek.
Nagbunot naman ng patalim si Rubenecio at pinagsasaksak si Frederick kung saan tinangka namang umawat ni Nerissa subalit, pinagsasaksak din ito ni Quiñonez.
Agad na dinala ang magkapatid sa nasabing pagamutan subalit, hindi na umabot ng buhay si Frederick at sa isinagawang follow-up operation ng mga pulis ay naaresto si Quiñonez habang nakatakas si Rubenecio.