MANILA, Philippines - Pinagpapalo at pinagsasaksak hanggang sa maÂpatay habang natutulog ang isang 53-anyos na sapatero ng dalawang lalaki bago tiÂnangay ang mapapakinabangan at maging ang maÂliit na kita nito sa Sta. Cruz, Maynila, kahapon ng madaÂling-araw.
Dead-on-the-spot ang biktimang si Mateo Buyron.
Hindi naman malinaw ang mga mukha ng dalawang salarin batay sa kuha ng nakakabit na CCTV sa Brgy. 338, Zone 34 na tumakas tangay ang sako na naglalaman ng mga sapatos at maging ang suot na jacket ng biktima.
Sa report SPO2 Charles John Duran ng MPD-HoÂmicide Section, dakong alas-2:23 ng madaling-araw nang maganap ang insiÂdente sa kanto ng Malabon at MenÂdoza Sts., Sta Cruz, Maynila.
Ini-report lamang umano ng napadaang concerned citizen ang nakitang duÂguang biktima sa brgy. tanod na si Raymond Malabago kay Chairwoman Elvira Garcia, na nagÂpabaÂtid sa MPD-Station 3.
Batay aniya, sa kuha ng CCTV makikita na natutulog ang biktima nang lapitan siya ng mga suspect at pinagpupukpok at saka sinaksak, kinuha ang suot nitong jacket at tinangay ang mga maÂpapakinabangan na inilagay sa sako.
Nasa mahigit dalawang minuto ang ginawang pagpatay sa biktima, base sa rekord ng CCTV.