Orange card hindi maaabuso -- MSWD

MANILA, Philippines - Tiniyak ni Manila Social Welfare Department chief Honey­ Lacuna-Pangan na hindi­ maaabuso at hindi magagamit sa anomalya ang ‘Orange Card’ na ipinamahagi kama­kailan sa mga Manilenyo ni Manila Mayor Joseph Estrada.

Ang paniniyak ay ginawa ni Lacuna-Pangan, kasabay ng pahayag na nasa kanila ang  record ng mga tunay na residente at botante ng Maynila.

Ang Orange Card ay maa­aring gamitin sa mga city run hospital upang magpagamot ng kanilang mga karamdaman.

Ayon kay Lacuna-Pangan,  hihigpitan nila ang pamama­hagi ng nasabing health card  upang hindi magamit sa anu­mang katiwalian. Maaari ding kasuhan ang sinumang  magtatangkang mameke o mag­samantala dito.

Sa ngayon aniya ay suma­sailalim pa sa evaluation at verification ang mga residente ng Maynila na dapat na bigyan ng  Orange Card.  Inaalam din nila kung anong economic class ang dapat na prayoridad sa pamamahagi ng card.

Matatandaang namahagi kamakailan si Estrada ng  may 120  Orange Card sa mga residente ng anim na distrito ng lungsod.

Binigyan diin ni Estrada na dapat na bigyan ng prayoridad sa  aspetong medical ang mga Manilenyo.

Sinabi naman ni Vice Mayor­  Isko Moreno na tama  at ma­rapat lamang ang desisyong ito ni Estrada dahil sa naka­raang patakaran, hindi na nabibigyan pa ng sapat na me­dical attention ang  Manilenyo.

Mas nakikinabang pa aniya­ ang taga ibang lungsod ha­bang kakarampot na lamang ang napupunta sa taga Maynila.

Sa ngayong patakaran, ang Manilenyo lamang ang libre sa mga ospital ng city go­vernment habang kailangan­ namang magbayad ng hindi taga Maynila na bibigyan lamang ng diskuwento.

 

Show comments