Orange card hindi maaabuso -- MSWD
MANILA, Philippines - Tiniyak ni Manila Social Welfare Department chief Honey Lacuna-Pangan na hindi maaabuso at hindi magagamit sa anomalya ang ‘Orange Card’ na ipinamahagi kamaÂkailan sa mga Manilenyo ni Manila Mayor Joseph Estrada.
Ang paniniyak ay ginawa ni Lacuna-Pangan, kasabay ng pahayag na nasa kanila ang record ng mga tunay na residente at botante ng Maynila.
Ang Orange Card ay maaÂaring gamitin sa mga city run hospital upang magpagamot ng kanilang mga karamdaman.
Ayon kay Lacuna-Pangan, hihigpitan nila ang pamamaÂhagi ng nasabing health card upang hindi magamit sa anuÂmang katiwalian. Maaari ding kasuhan ang sinumang magtatangkang mameke o magÂsamantala dito.
Sa ngayon aniya ay sumaÂsailalim pa sa evaluation at verification ang mga residente ng Maynila na dapat na bigyan ng Orange Card. Inaalam din nila kung anong economic class ang dapat na prayoridad sa pamamahagi ng card.
Matatandaang namahagi kamakailan si Estrada ng may 120 Orange Card sa mga residente ng anim na distrito ng lungsod.
Binigyan diin ni Estrada na dapat na bigyan ng prayoridad sa aspetong medical ang mga Manilenyo.
Sinabi naman ni Vice Mayor Isko Moreno na tama at maÂrapat lamang ang desisyong ito ni Estrada dahil sa nakaÂraang patakaran, hindi na nabibigyan pa ng sapat na meÂdical attention ang Manilenyo.
Mas nakikinabang pa aniya ang taga ibang lungsod haÂbang kakarampot na lamang ang napupunta sa taga Maynila.
Sa ngayong patakaran, ang Manilenyo lamang ang libre sa mga ospital ng city goÂvernment habang kailangan namang magbayad ng hindi taga Maynila na bibigyan lamang ng diskuwento.
- Latest