BI sa mga dayuhan: Pananatili sa bansa gawing legal

MANILA, Philippines - Gawing legal  ang pananatili sa bansa upang maiwasan ang anumang pagkakakulong at deportasyon.

Ito naman ang  payo ni Immigration Commissioner Seig­fred Mison sa lahat ng mga dayuhan na overstaying sa bansa na may pekeng  immigration stamps na kusang loob na magtungo sa tanggapan ng  Bureau  of Immigration upang ayusin ang kanilang mga dokumento.

Ayon kay Mison, nakasaad sa general rule, na ang  lahat ng mga kinokonsiderang alien  na may pekeng immigration stamps  at pekeng  emigration clearance certificate (ECC)  ay maaaring arestuhin anumang oras, ikulong at ideport.

Gayunman, kung kusang loob na magtutungo sa BI hindi umano ikukulong at sa halip ay tutulungan ng  tanggapan na malinis at maayos ang kanilang  papeles.

  â€œThe immigration bureau is taking a more humane approach to foreigners staying in the country illegally. Those who voluntarily surrender will not face detention. That is our commitment to them,” ani Mison.

 

Show comments