MANILA, Philippines - Iniutos na kahapon ang imbestigasyon laban sa apat na pulis-Maynila na kabilang sa inirereklamo sa pangoÂngotong sa mga turistang Saudi Arabian nationals.
Nabatid na nakikipag-ugnayan na ang Manila Police District (MPD) sa Saudi Embassy para sa pormal na reklamo laban sa mga kagawad ng MPD na hindi pa pinapangalanan, na sinasabing ang modus operandi ay kotongan ang mga turista, na kinabibilangan ng dalawang Arabiano matapos hulihin at ipagharap umano ng kasong kriminal.
Ayon sa liham ng Saudi Embassy, ang pinakahuling insidente ng extortion ay ginawa ng mga kagawad ng MPD-station 5 sa bahagi ng Malate, Maynila at ng mga kagawad ng Makati Police-sub station 6, sa Burgos St.
Ang dalawang humihingi ng saklolo sa nasabing embahada ay sina Mustafa Abdullah Al-Shanquity at Fuad Abdullah Almohsin. Inakusahan na “spurious criminal†ang dalawa at saka hinuli, humihingi umano ng malaking halaga ang mga dumakip kapalit ng kanilang kalayaan.
Nabatid na matapos ang courtesy call kay Manila MaÂyor Joseph Estrada kamakalawa ni Saudi Arabian Ambassador Abdullah Al Hassan ay nalaman nito na may liham din sa Department of Foreign Affairs (DFA) na may petsang Enero 8, 2014 na inirereklamo ang mga pulis ng Manila at Makati sa extortion, dahilan upang atasan ng alkalde si Senior Supt. Gilbert Cruz na imbestigahan ang mga pulis na sangkot sa reklamo.