MANILA, Philippines - Pinagbabaril at napatay ng hindi pa nakikilalang mga salarin ang isang babaeng sinasabing ‘adik’ umano sa iligal na droga sa Port Area, Maynila, kahapon ng madaling-araw.
Kinilala lamang umano ang biktima sa alyas na Aura, nasa edad 25-30, kalbo ang gupit, nakasuot ng t-shirt na puti, pink ang jacket at maong na shortpants.
Sa ulat ni PO3 Jupiter Tajonera ng MPD–Homicide Section, dakong alas- 2:30 ng madaling-araw nang maganap ang insidente sa harapan ng tindahan ng isang Noli Aguilar sa Block 1, Gasangan, Baseco compound, Port Area.
Sinabi ni Aguilar na nakarinig siya ng magkakasunod na putok ng baril na hindi na niya pinansin dahil sanay na ang kanilang lugar sa ganitong mga insidente.
Makalipas ang isang oras ay nagbukas na ng tindahan si Aguilar at doon niya nakita ang duguang biktima na nakahandusay sa harapan ng kanyang tinÂdahan.
Inireport niya ito sa barangay na nakasasakop.
Sa imbestigasyon ng puÂlisya, nagtamo ng mga tama ng bala sa noo at dibdib ang biktima na nagÂresulta sa agaran nitong kaÂmatayan.
Nabatid na ang biktima ay nanggaling sa bahay ng kaibigang si Rolando Gadias. Ilan din ang nakapagsabi na madalas sa lugar ang biktima dahil lulong umano ito sa droga.
Pinag-aaralan din kung napaghinalaang police asset ang biktima kaya itiÂnumba ng mga sindikato ng iligal na droga sa lugar.
Samantala, isa namang lalaki ang binaril din at napatay sa may Aragon St., Sta. Cruz, Maynila, kamakalawa ng hapon.
Ang biktima ay kinilala lamang sa alyas Anoy, may gulang na 35-40-anyos, may taas na 5’4, katamtaman ang pangangataÂwan, nakasuot ng kulay gray na pantalon at walang pang-itaasÂ. Wala pang naÂtutukoy na suspect ang mga awtoridad.
Dakong alas-5:42 ng hapon sa kasagsagan ng prusisyon ng Itim na Nazareno nang maganap ang insidente sa panulukan ng Aragon at Lacson Sts., Sta Cruz, Maynila.
Sa naging pahayag ni Jesus Mapugay, security guard ng Nesus Building, nakaÂrinig siya ng putok ng baril at nang lumabas siya upang alamin ay may nagsabi lamang sa kaniya na driver na may binaril na lalaki sa harapan ng gusali.
Patuloy pang inaalam ang pagkilanlan ng suspect at motibo sa pagpatay.