Manager sa Navotas shipyard, utas sa ambush

Ang negosyanteng si Arlene Garcia, 39, na namatay noon din sa loob ng kanyang minamanehong van makaraang pagbabarilin ng riding in tandem kamakalawa ng hapon sa may Brgy. Bagong Bayan, Quezon City. (Kuha ni Bernardo Batuigas)

MANILA, Philippines - Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang personnel manager sa Navotas Shipyard ng hindi pa kilalang suspek habang minamaneho ng  una ang kanyang service na scooter sa nasabing lungsod, kamakalawa.

Dead on the spot sanhi ng mga tama ng bala ng baril sa likod at ulo ang biktimang si Valentino Aquino, 39, at residente ng Custodio St., Brgy. Santulan, Malabon City.

Base sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente  alas-4:00 ng hapon sa Navotas City Bridge, Brgy Tanza ng naturang lungsod habang sakay ng kanyang service­ scooter ang biktima at pagsapit sa naturang tulay ay sumulpot ang suspek na nakasakay din sa  motorsiklo at walang sabi-sabing pinagbabaril si Aquino na naging dahilan ng agaran nitong kamatayan.

Matapos ang pama­maril ay mabilis na tumakas ang suspek, nag­sa­sagawa pa ng pagsisiyasat ang pulisya hinggil sa insidente.

 

Show comments