MANILA, Philippines - Pansamantalang naantala ang operasyon ng Metro Rail Transit (MRT) Line 3 matapos na magkaaberya sa riles ng tren na tumagal din ng may kahalating oras at nagresulta sa pagÂhaba ng pila ng mga pasahero nito.
Ayon kay MRT General Manager Al Vitangcol III, ganap na alas-6:25 ng umaga nang magkaroon sila ng “red aspect o technical defect†sa pagitan ng Buendia at Guadalupe Station dahil nagkaproblema sa riles ng tren.
Kaugnay nito, nagpatupad aniya sila ng provisional service mula North Avenue hanggang Shaw Boulevard Station.
Maging ang Light Rail Transit (LRT) Line 1 ay naapekÂtuhan din ng aberya sa MRT.
Sinabi ni LRT Authority spokesperson Hernando Cabrera na dumami ang kanilang mga pasahero sa LRT-1 dahil sa disruption ng MRT operations.
Isa pa aniya sa dahilan nito ay ang ipinapatupad na traffic re-routing bilang paghahanda sa pista ng Itim na Nazareno.
Kaagad namang naisaayos ang problema matapos ang isinagawang visual inspection sa riles at naibalik ang normal na operasyon ng MRT ganap na alas-6:57 ng umaga.