MANILA, Philippines - Patay ang isang 42-anyos na binata makaraang pagsasaksakin ng kanyang laÂsing na kapitbahay na nagalit nang pigilan umano ng una na mangursunada ng taong nagdaraan sa kanilang lugar ang huli sa lungsod Quezon, kamakaÂlawa.
Kinilala ang nasawi na si Alfredo Nocum, ng BPI compound, MWS, sa nasaÂbing lugar. Siya ay nagtamo ng halos 10 tama ng saksak sa buong katawan, ayon kay Police Officer 2 Julius Raz, may-hawak ng kaso.
Agad namang nadakip ang suspek na si Ramil BaÂluyot, 31, matapos na habulin ng pinsan ng biktima at ilang barangay tanod.
Nangyari ang insidente sa kanilang compound ganap na alas-10 ng gabi.
Bago ang insidente, nag-iinuman umano sina BaluÂyot at Nocum sa lugar nang makita ng una ang mga duÂmaraan na gusto niyang kurÂsunadahin.
Dahil lasing, tinangkang kausapin ni Nocum ang suspek na huwag nang gawin, pero ang mabuti sana niyang intensyon ay nagbigay naman ng galit sa lasing na si Baluyot
Sabi ng testigong si Billy Jones Nocum, papasok siya ng gate ng compound nang marinig niya ang pinsang biktima na binabanggit ang paÂngalan ng suspek na sumaksak sa kanya.
Tinangka pang habulin ni Billy Jones ang suspek kasama mga barangay taÂnod hanggang sa maaresto ito sa may loob ng Tensi KTV bar sa Quirino highway.
Nakuha sa suspek ang patalim na may habang 7.3 pulgada, habang ang biktima ay isinugod naman sa San Lorenzo hospital, pero idineklara din itong dead on arrival. Nakapiit ngayon ang suspek sa himpilan ng QCPD habang inihahanda ang kasong murder na isaÂsampa laban sa kanya.