MANILA, Philippines - Dalawa katao ang inaÂresto ng mga tauhan ng PNP Highway Patrol Group sa Pasay City makaraang mahulihan ng granada matapos na tangkaing tumakas sa nakalatag na checkpoint habang lulan ng isang kotse, kamakalawa ng hapon.
Patuloy ngayong isinasailalim sa pagtatanong ang dalawang nadakip na suspect na inisyal na kinilala na sina Reynan Lucas at Patricia Avilla.
Nabatid na pasado alas-5 ng hapon nang parahin ng mga pulis sa isang checkpoint sa kanto ng Arnaiz Ave. at Zamora St. ang itim na Honda City na kinalululanan nina Lucas at Avilla dahil sa kahina-hinalang plaka.
Sa halip na huminto, tiÂnangkang takasan umano ng dalawa ang checkpoint sanhi upang magkaroon ng habulan. Makaraan ang 20 minuto, nakorner ang dalawa kung saan napilitang sumuko ang mga ito.
Nang inspeksyunin ang loob ng kotse (XMY-385), natuklasan sa loob nito ang isang hand grenade.
Bineberepika naman ngaÂyon ng pulisya kung kabilang sa mga “hot car†ang naturang sasakyan habang inaalam rin ang background ng dalawang nasakotse.