MANILA, Philippines - “Salawahan ka†“Tama lang sayo yan†“Adik ka.â€
Ito ang sulat na iniwan ng isa sa mga naka-motorsiklong suspect maÂtapos na barilin sa ulo at leeg ang isang fish vendor na ikinasawi nito sa isang palengke sa lungsod Quezon, kamakalawa.
Nakilala ang biktima na si Rosenda Calanno, 30, ng no. 962 Maligaya compound, Riverside St., Brgy. Commonwealth sa lungsod.
Ayon kay P02 Jogene Hernandez, dalawang hindi nakikilalang lalaki ang suspect na sakay ng isang Honda wave motorÂcycle na walang plaka subalit isa lamang sa kanila ang bumaril sa biktima.
Nangyari ang insidente sa may harap ng tindahan ng biktima sa may loob ng Riverside market, Unit 3, Brgy. Commonwealth, ganap na alas-5:30 ng gabi.
Sabi ng testigong si Elaine Galicia, nag-aasiÂkaso siya ng kanyang paninda habang kumaÂkain naman ang biktima nang biglang dumating ang isa sa mga suspect at pinaputukan ang biktima sa ulo at leeg.
Nang bumuwal sa lupa ang biktima ay hinagisan ito ng suspect ng isang bagay, bago tuluyang umalis at sumakay sa naghihintay na kasamahang nasa motorsiklo at tumakas.
Agad namang tiningnan ni Galicia ang itinaÂpong papel ng suspect sa tabi ng biktima, kung saan nakasulat dito ang mga katagang “SalaÂwahan ka†“Tama lang sayo yan†“Adik Ka.â€
Sa pagsisiyasat ng Scene of the Crime OpeÂratives (SOCO) narekober sa crime scene ang tatlong basyo ng bala ng kalibre .45 baril, at tatlong tingga nito. Nagtamo rin ang biktima ng tatlong tama ng bala, dalawa sa ulo at isa sa kaliwang leeg.
Inaalam pa ng mga awtoridad ang motibo sa krimen.