^

Metro

Parak na bumaril sa rider, sabit din sa frustrated homicide

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nabulgar kahapon na sangkot rin sa kasong frustrated homicide sa pagbaril sa isang retiradong pulis noong 2011 ang inarestong parak na bumaril sa isang motorista noong Miyerkules sa Quezon City.

Sinabi ni Chief Inspector Edilberto Nicanor, Deputy Chief ng Quezon City Police District’s Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU) na minsan na ring naisyuhan ng arrest warrant si PO3 Arnold Sagun, nakatalaga sa Kamuning Police Station  sa pagbaril kay ret. SPO2 Jose Oliva ng nabanggit na taon.

Si Sagun ay inaresto noong nakalipas na Huwebes matapos itong iturong bumaril at nakasugat sa biktimang si Alex Romarico Chiong Jr., 30 , habang hinahabol umano ang nanggugulong mga kalalakihan sa Brgy. Culiat, Tandang Sora ng lungsod.

Nang maaresto ang suspek noong Huwebes ay agad beneripika ang rekord nito kung saan nabatid na inisyuhan na rin ito ng arrest warrant noong April 23 ni Judge Caridad Walse-Lutero of Quezon City Regional Trial Court (RTC) Branch 223 kaugnay ng kasong isinampa ni Oliva.

Dahil dito ay naglagak si Sagun ng P120,000 piyansa nitong  Biyernes sa kaniyang naunang kaso sa RTC Branch 223.

Magugunita na noong Setyembre 13 , 2011 ay nagkaroon ng mainitang pagtatalo sina Sagun noong  dati pa itong nakatalaga  sa Batasan Hills Police Station  at si Oliva  na binansagan nitong “Senior Pulis Patola “ na nauwi sa pamamaril ng nasabing parak.

Samantalang noong Miyerkules ay nabaril naman ni Sagun si Chiong sa likod na naglagos sa dibdib nito habang nagmamaneho ng motorsiklo sa harapan ng gate ng Tower Ville Homes, Barangay Culiat.

Inaresto si Sagun na ikinatwiran naman na may hinahabol siyang nanggugulong mga kalalakihan.

vuukle comment

ALEX ROMARICO CHIONG JR.

ARNOLD SAGUN

BARANGAY CULIAT

BATASAN HILLS POLICE STATION

CHIEF INSPECTOR EDILBERTO NICANOR

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION UNIT

DEPUTY CHIEF

HUWEBES

JOSE OLIVA

NOONG

SAGUN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with