Gulay sa Benguet nagyeyelo sa 60 C lamig

MANILA, Philippines - Lubhang naapektuhan ang kabuhayan ng mga magsasaka sa Benguet dahil sa pagbagsak sa 6 degree celcius ng temperature doon noong January 1 dahilan para magyelo ang mga pananim laluna ang mga gulay.

Sinasabing nagkaroon ng pamumuo ng tubig ang mga gulay doon dahilan para masira  ang maraming pananim na gulay partikular na sa Atok, Benguet tulad ng patatas at repolyo.

Gayunman, sinasabi ng ilang mga magsasaka doon na normal na ito dahil sa tuwing sasapit ang Enero ng bawat taon ay apektado ng pagyeyelo ang mga pananim kayat napaghandaan na nila ito.

Ilan naman sa mga magsasaka ay inani na ang mga pananim bago pa bumagsak ang temperatura.

Sa kabila nito, niliwanag ng Department of Agriculture na sapat pa rin ang suplay ng gulay sa bansa kahit na apektado ng frost ang mga gulay mula Benguet Province.

Patuloy naman ang ani ng gulay mula sa La Trinidad at iba pang lugar sa bansa na nagsusuplay ng gulay sa Metro Manila.

Noong January 1 ay bumagsak sa 11.8 degrees celsius ang lamig sa Baguio City at kahapon ay uma­bot sa 12.4 degrees celsius ang naitalang temperatura sa City of Pines.

Noong January 1 sa Atok, Benguet ay 6 degrees celcius at kahapon ay pumalo sa 9 degrees celcius.

 

Show comments