MANILA, Philippines - Patay ang mag-ama, habang sugatan naman ang ina ng tahanan makaraang pasukin at pagbabarilin ng nag-iisang suspect ang kanilang bahay sa Brgy. Bagong Silang, Caloocan City, kamakalawa ng hapon.
Nakilala ang mga nasawi na sina Victorino Sarmiento, 40, at anak na si Angelica Shane, 9.
Sugatan naman ang ina na si Charmee, 34, na hinampas ng baril at ngayon ay nasa maayos nang kondisyon sa pagamutan.
Blangko pa ang pulisya sa motibo sa naganap na krimenÂ, gayunman sinisilip ang anggulong away sa kapitÂbahay, hindi rin naman inaalis ang anggulong may kinalaman sa trabaho ni Victorino bilang isang company driver ang motibo sa naganap na krimen.
Ayon sa ilang testigo nakasuot ng bullcap ang gunman nang isagawa ang pamamaril sa loob ng bahay ng pamilya.
Tumakas ang suspect lulan ng isang motorsiklo. Patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya ukol dito.