MANILA, Philippines - Isang lalaki na tinadtad ng bala sa katawan ang naÂtagpuan sa kumpol ng basura sa Tondo, Maynila, kamaÂkalawa ng gabi.
Hindi na umabot pang buhay sa Gat Andres BoniÂfacio Memorial Medical Center (GABMMC) ang biktimang kinilalang si Richard Dela Cruz, ng Intramuros, Maynila bunga ng mga tama ng bala na tinamo sa katawan.
Wala namang makapagsabi kung sino ang salarin, na paÂtuloy pang iniimbestigahan.
Sa ulat ni SPO2 Rodelio Lingcong ng MPD-Homicide Section, dakong alas-9:10 ng gabi nang madiskubre ang nakahanÂdusay na biktima sa tabi ng tambakan ng basura sa tapat ng Gate 16, Parola Compound, Tondo.
Sa naging pahayag ng 16-anyos na si Jeremy RoÂmero, resiÂdente ng Area H, Parola Compound, napansin niya ang katawan ng biktima nang mapadaan siya at nang makitang duguan ay dinala ito sa pagamutan.
Ang Parola, tulad ng Baseco na magkatabi lamang ay naÂngunguna sa lugar na may mataas na insidente ng patayan na halos araw-araw ay naitatala sa MPD-Homicide Section.