MANILA, Philippines - Sa kaunaunahang pagkakataon, senelyuhan na rin kahapon ng Philippine National Police (PNP) ang dulo ng mga baril ng mga security guard sa buong bansa upang mabawasan ang mga biktima ng indiscriminate firing kaugnay ng pagsalubong sa Bagong Taon.
Ang pagseselyo ng baril ng mga security guard ay unang isinampol ng PNP sa Araneta Center sa Cubao, Quezon City na pinangunahan ni PNP Security Supervisory Office (PNP-SOSIA) Director P/Sr. Supt. Dominador Tubon.
Bukod naman sa mga sekyu sa Araneta Center ay senelyuhan rin ang dulo ng mga baril ng mga security guard sa Robinson’s Magnolia sa Aurora BouleÂvard, Quezon City.
Ayon kay Tubon, susunod ring selyuhan ng mga District Commanders ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang dulo ng mga baril ng iba pang grupo ng mga security guard sa iba’t-ibang lugar sa Metro Manila at ang mga regional at city director naman ang manguÂnguna sa pagseselyo ng mga baril ng mga sekyu sa mga urban cities sa iba pang bahagi ng bansa.
Sa tala ng PNP–SOSIA, umaabot sa 5,500 ang mga security guard sa buong bansa na ang pinakamaÂlaking bilang ay nakadestino sa mga establisimÂyento at mga malls sa Metro Manila.
Nilinaw ng opisyal na tulad ng mga pulis, maaari pa ring gamitin ng mga guwardiya ang kanilang mga baril kung may mga nagaganap na kriÂminalidad at maging para sa self-defense.