^

Metro

Baril ng mga sekyu, binusalan na!

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sa kaunaunahang pagkakataon, senelyuhan na rin kahapon ng Philippine National Police (PNP) ang dulo ng mga baril ng mga security guard sa buong bansa  upang mabawasan ang mga biktima ng indiscriminate firing  kaugnay ng pagsalubong sa Bagong Taon.

Ang pagseselyo ng baril ng mga security guard ay  unang isinampol ng PNP sa Araneta Center sa Cubao, Quezon City  na pinangunahan ni PNP Security Supervisory Office (PNP-SOSIA) Director P/Sr. Supt. Dominador Tubon.

Bukod naman sa mga sekyu sa Araneta Center ay senelyuhan rin ang dulo ng mga baril ng mga security guard sa Robinson’s Magnolia sa Aurora Boule­vard, Quezon City.

Ayon kay Tubon, susunod ring selyuhan ng mga District Commanders ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang dulo ng mga baril ng iba pang grupo ng mga security guard sa iba’t-ibang lugar sa Metro Manila at ang mga regional at city director naman ang mangu­nguna sa pagseselyo ng mga baril ng mga sekyu sa mga urban cities sa iba pang bahagi ng bansa.

Sa tala  ng PNP–SOSIA, umaabot sa 5,500 ang mga security guard sa buong bansa na ang pinakama­laking bilang ay nakadestino sa mga establisim­yento at mga malls sa Metro Manila.

Nilinaw ng opisyal na tulad ng mga pulis, maaari pa ring gamitin ng mga guwardiya ang kanilang mga baril kung may mga nagaganap na kri­minalidad at maging para sa self-defense.

 

ARANETA CENTER

AURORA BOULE

BAGONG TAON

DIRECTOR P

DISTRICT COMMANDERS

DOMINADOR TUBON

METRO MANILA

QUEZON CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with