MANILA, Philippines - Todas sa pamamaril ang isang 35-anyos na driver nang pagbabarilin ng ilang kalalakihan, habang nag-iigib ng tubig sa Baseco, Port Area, Maynila, kamakalawa ng gabi.
Ang biktima ay kinilalang si Muhammadali Ampatuan, residente ng Block 22, Baseco Compound Port Area, Maynila na nagtamo ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
Kilala lamang sa mga alyas na “Budtongâ€, “Wax†at isa pang hindi kilalang lalaki ang mga suspect na pawang armado ng baril.
Sa ulat ni PO3 Marlon San Pedro ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-7:00 ng gabi nitong Biyernes nang maganap ang insidente sa Block 22, Lot 1, New Site, Baseco Compound habang kasama ng biktima ang kaÂpatid na babae na mag-iigib ng tubig nang bilang lumutang ang mga suspect at walang sabi-sabing pinagbabaril ang biktima.
“Sugatan na yong biktima nakatakbo pa siya pero hinabol ng mga suspet at nakorner siya kaya pinaputukan ulit, “ ani San pedro..
Sa pagresponde ng Baseco Police Community Precinct nakipagputukan pa ang mga suspect suÂbalit nakatakas sa gitna ng habulan.
Narekober sa lugar na pinangyarihan ng krimen ang isang 9mm baril na hinihinalang naiwan ng mga suspects.
Blangko pa ang pulisya sa motibo sa isinagawang pagpaslang sa biktima.